Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Bahay-tindahan

Ang isang terasadong pagkakaayos ay nagbibigay-daan sa isang hanay ng mga bahay-tindahan na lumawak hangga't pinahihintulutan ng isang bloke ng lungsod, gaya ng ipinakita ng mahabang hanay ng mga bahay-tindahang ito sa Singapur. Ang lahat ng mga bahay-tindahan ay pinag-uugnay ng isang sakop na daanan na tinatawag na daang limang-talampakan sa harap.

Ang isang bahay-tindahan ay isang uri ng gusali na nagsisilbi bilang isang tirahan at isang komersiyal na negosyo.[1] Ito ay tinukoy sa diksiyonaryo bilang isang uri ng gusali na matatagpuan sa Timog-silangang Asya na "isang pagbubukas ng tindahan sa bangketa at ginagamit din bilang tirahan ng may-ari",[2] at naging karaniwang ginagamit na termino mula noong dekada '50.[3] Ang mga pagkakaiba-iba ng bahay-tindahan ay maaari ring matagpuan sa ibang bahagi ng mundo; sa Katimugang Tsina, Hong Kong, at Macau, ito ay matatagpuan sa isang uri ng gusali na kilala bilang Tong lau, at sa mga bayan at lungsod sa Sri Lanka.[4] Nakatayo ang mga ito sa isang terasadong bahay, kadalasang nasa harapan ng mga arkada o kolumnata, na nagpapakita ng kakaibang tanawing-bahay sa Timog-silangang Asya, Sri Lanka,[4] at Timog Tsina.

  1. Tirapas, Chamnarn. "Bangkok Shophouse: An Approach for Quality Design Solutions" (PDF). School of Architecture and Design, King Mongkut’s University of Technology Thonburi. Nakuha noong 31 July 2019.
  2. "Shophouse". Lexico. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 October 2019.
  3. Lim, Jon S.H. (1993). "The Shophouse Rafflesia: An Outline of its Malaysian Pedigree and its Subsequent Diffusion in Asia". Journal of the Royal Asiatic Society. LXVI Part 1 (1 (264)): 47–66. ISSN 0126-7353. JSTOR 41486189.
  4. 4.0 4.1 Kudasinghe, KSKNJ; Jayathilaka, HMLB; Gunaratne, SR. "Evolution of the Sri Lankan Shophouse: Reconsidering Shophouses for Urban Areas" (PDF). General Sir John Kotelawala Defence University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Septiyembre 2021. Nakuha noong 17 August 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

Previous Page Next Page






Shophouse Catalan Shophouse English Ruko ID ショップハウス Japanese Rumah kedai Malay கடைவீடு Tamil ห้องแถว Thai Nhà phố thương mại VI 店屋 Chinese 下舖上居 ZH-YUE

Responsive image

Responsive image