Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas | |
---|---|
Pinuno | Directors-General: Benigno S. Aquino (1942–1943) Camilo Osías (1943–1945) |
Kalihim-Panlahat | Pio Duran |
Nagtatag | Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas |
Itinatag | 8 Disyembre 1942 |
Binuwag | 1945 |
Punong-tanggapan | Maynila, Ikalawang Republika ng Pilipinas |
Palakuruan | Filipino nationalism National conservatism Pasismo Japanophilia |
Posisyong pampolitika | Far-right |
Simbolong panghalalan | |
Logo | |
Talaksan:Kalibapi Seal.png |
Ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) ay isang partidong pampolitika na nagsilbing ang nag-iisang umiiral na partido sa Pilipinas noong pananakop ng Hapon. Ito ay nilayong maging bersiyong Pilipino ng partidong Taisei Yokusankai ng pamahalaan ng Hapon. Ito ay binuo ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas sa ilalim ni Jorge Vargas. Ito ay nilikha alinsunod sa Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas noong 8 Disyembre 1942. Ang KALIBAPI ay naging makinarya sa propaganda ng mga Hapones upang makuha ang simpatya at pakikiisa ng mga Pilipino. Nang lumaon ito ay itinatag na isang partido pampolitika. Binuwag ang lahat ng mga lapiang pampolitika at tanging KALIBAPI lamang ang partidong pampolitika na pinahihintulutang umiral ng mga Hapones.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.