Ang modakriliko (mula sa Ingles na modacrylic) ay isang uri ng hiblang gawa ng tao na nagmula at nasa klasipikasyon ng mga akriliko. Ikinakalakal ito sa ilalim ng pangalang Dynel at Verel. Pangunahing ginagamit ang modakriliko sa paggawa ng mga kumot, mababalahibong mga pangginaw, mga telang pangkurtina o panglaylay, at mga kasuotang pangtrabaho.[1]