Ang Palmolive ay isang marka ng kalakal ng linya ng mga produktong ginawa ng kompanyang Amerikano na Colgate-Palmolive. Nagmula ang pangalan noong 1898, at nagbebenta ang kompanya ng mga kaugnay na mga produkto sa iba't ibang mga bansa. Ang ilan sa mga produkto nito ay kinabibilangan ng sabon, panggugo (shampoo), pangkondisyon ng buhok, panghugas ng katawan at likidong panghugas ng kamay. Sa ilang mga bansa, kabilang sa mga linya ng produkto ang likidong panghugas ng mga pinggan at kubyertos.