Ang isang pontipise o pontiff (mula sa Latin na pontifex) ay isang kasapi ng pinakakilala ng mga kolehiyo ng mga saserdote o pari ng relihiyon ng Sinaunang Roma na Kolehiyo ng mga Pontipise.[1][2] Ang terminong "pontipise" ay kalaunang inilapat sa anumang dakila o pangunahing saserdote o pari. Sa paggamit sa Kristiyanismo, ito ay inilapat sa isang obispo at mas partikular na sa Obispo ng Roma o "Pontipiseng Romano".[3]