Purok

Ang purok, kilala din sa tawag na sona, ay isang pampolitikang subdibisyon ng isang barangay.[1] Ito ang pinakamaliit na yunit pampamahalaan sa Pilipinas[2] na pinamumunuan ng isang hinirang na kagawad ng barangay.[3] Bagaman, hindi ito tinuturing na opisyal na kasama sa lokal na yunit ng pamahalaan. Ang barangay ang opisyal na pinakamaliit na yunit pampolitika.[4]

Karaniwang binubuo ang purok ng dalawampu hanggang limampung mga sambahayan, depende ito sa partikular na lokasyon sa heograpiya at kumpol ng mga bahay. Kapag nilikha at nabigyan ito ng isang mandato sa pamamagitan ng isang ordinansa ng isang barangay, munisipalidad o lungsod, maaring gumanap ang purok ng mga gawaing pampamahalaan sa ilalim ng koordinasyon at pangangasiwa ng kanilang lokal na mga opisyal.[2]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang guillermo); $2
  2. 2.0 2.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang rafi.org.ph); $2
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang 1derfulcebu.com); $2
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang psgc); $2

Purok

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne