Salatiel | |
---|---|
Kamatayan | 541 BCE (Huliyano) |
Anak | Zerubbabel |
Magulang |
|
Pamilya | Pedaiah |
Si Salatiel (Hebreo: שְׁאַלְתִּיאֵל, Shəʾaltīʾēl), isinalin sa Griyego bilang Salathiel (Griyego: Σαλαθιηλ, Salăthiēl) ay anak ni Haring Jeconias at ama ni Zorobabel ayon sa Ezra 3:2, Ezra 3:8, Ezra 5:2, Nehemias 12:1, Ageo 1:1, Ageo 1:12, Ageo 1:14, Ageo 2:2, Ageo 2:23, Mateo 1:12 at Lucas 3:27. Meron ding nagsasabing ang kanyang kapatid na si Pedaia o Pedaias ay ama naman ni Zorobabel.[1] Ayon sa Lucas 3:27 siya ay anak ni Neri at hindi si Haring Jeconias, naniniwala si Robert H. Gundry na si Lucas ang nagbigay ng aktwal na pisikal na talaangkanan habang si Mateo ay naglalahad ng seremonyal. Sa panahon ng pagkabihag sa Babylonian (587/6 BC), si Salatiel ay itinuring na pangalawang Exilarch (o hari-in-exile), kasunod ng kanyang ama.[2]