Ang lathalaing ito ay isang magaspang na pagsasalinwika mula sa ibang wika. Maaaring isinagawa ito sa pamamagitan ng isang kompyuter o ng isang tagapagsalinwikang walang katatasan sa dalawang wika. Tumulong po sana sa pagpapainam ng pagsasalinwika nito. |
Uri | Kalambatang pantelebisyong terestriyal |
---|---|
Tatak | The Kapamilya Network (Ang Kalambatang Kapamilya) |
Bansa | Pilipinas |
Lugar na maaaring maabutan | Buong bansa |
Binuo ni/nina | 23 Oktubre 1953 ni James Lindenberg Antonio Quirino Eugenio Lopez, Sr. Fernando Lopez |
Islogan | "In the service of the Filipino" ("Sa serbisyo ng Pilipino") |
TV stations | List of TV stations |
Hati ng merkado | 37.58% (Nielsen National Urban TAM January–August 2016)[1] |
Headquarters | ABS-CBN Broadcasting Center, Diliman, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas |
May-ari | ABS-CBN Corporation |
(Mga) pangunahing tauhan | Carlo Katigbak (Pangulo at punong tagapamahala) |
Petsa ng unang pagpapalabas | Terestriyal: 23 Oktubre 1953 (inisyal) 14 Setyembre 1986 (pagkatapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986) Blocktime: 10 Oktubre 2020 (Blocktime kay ZOE TV) |
Isinara | Terestriyal: 23 Setyembre 1972 (batas militar) 5 Mayo 2020 (napaso ang prangkisang pambatas) |
(Mga) dating pangalan | Alto Broadcasting System (ABS) Chronicle Broadcasting Network (CBN) |
Picture format | 480i (SDTV) 1080i (HDTV) |
Kapatid na kalambatan | S+A |
Pandaigdigang kanal | The Filipino Channel |
Opisyal na websayt | www.abs-cbn.com |
Wika | Filipino (pangunahin) Ingles (sekundarya) |
Ang ABS-CBN (isang daglat para sa dating pangalan nito, ang Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network) ay isang Pilipinong himpilang pankomersiyal (commercial broadcast network) (na binubuo ng himpilang pantelebisyon sa pamamagitan ng terestriyal, telebisyong kable o telebisyong pansetalyt, radyo at bagong midya sa pamamagitan ng streaming media, internet o onlayn) at sindikasyon, tagapamahagi ng programa, at kumpanya ng produksyon (sa ilalim ng ABS-CBN Entertainment), na siyang pagmamay-ari ng ABS-CBN Corporation, isang kompanya sa ilalim ng Lopez Group. Nakahimpil ang kalambatan sa ABS-CBN Broadcasting Center sa Lungsod Quezon, na may mga dating tanggapan at mga pasilidad sa 25 pangunahing lungsod sa Pilipinas, kabilang ang Baguio, Naga, Bacolod, Iloilo, Cebu, at Dabaw. Angipasilidad para sa mga produksyon ng ABS-CBN ay matatagpuan sa Horizon IT Park sa San Jose del Monte, Bulacan na nagbukas taong 2018.[2][3][4][5] Pormal na tinutukoy ang ABS-CBN bilang "The Kapamilya Network"[6], na unang inilunsad noong 1999 at ginawang opisyal noong 2003 sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo nito. na ginamit hanggang sa paglisan nito sa ere noong Mayo 5, 2020. Sa kalagitnaan nito, pinalitan ng ABS-CBN ang katukuyan nito bilang Kapamilya Forever bilang pagsuporta sa pagpapanibago ng prangkisa nito noong Mayo 13, 2020.[7] Ito ang pinakamalaking kalambatang pantelebisyon sa bansa kung pag-uusapan ang kita, ari-arian, at pandaigigang sakop nito.[8] Hanggang sa kasalukuyan, ang operasyong panterestriyal ng himpilan ay suspendido dahil sa kawalan ng lisensiya at prangkisa, ngunit nagpapatuloy pa rin ang operasyon nito sa pamamagitan ng onlayn, telebisyong kable at telebisyong pansetalyt, streaming platforms, at iba pang himpilang panterestriyal (sa pamamagitan ng blocktime sa A2Z at TV5).
Ang ABS-CBN ay ang kauna-unahan at pinakamatandang himpilan sa Timog-silangang Asya at isa sa pinakamatandang himpilang telebisyon sa Asya. Ito rin ang nangungunang himpilang pantelebisyon sa Pilipinas na may kita na 21.2 bilyong piso sa taong pananalapi ng 2015.[9][10][11][12][13] Ang kauna-unahang pagsasahimpapawid ng ABS-CBN ay nangyari noong Oktubre 23, 1953, bilang Alto Broadcasting System (ABS) sa DZAQ-TV, tatlong buwan lamang pagkatapos sumahimpapawid ang NHK General TV at Nippon Television sa bansang Hapon. Ito rin ang kauna-unahang kalambatang pantelebisyon na sumahimpapawid ng may kulay sa Timog-silangang Asya, kauna-unahang himpilan sa Pilipinas na pormal na naglunsad ng serbisyong pantelebisyon sa digital terestriyal, at ang kauna-unahang kalambatan sa bansa na pormal na maglunsad sa HDTV.[14]
Ang pambansang istasyong pantelebisyon ng ABS-CBN ay ang DWWX-TV (ABS-CBN TV-2 Maynila). Dulot nito, ang kalambatan ay impormal na tinatawag bilang Channel 2 o Dos kahit na ang himpilan ay nakikita sa ibang numerong pantelebisyon sa ibat-ibang panig ng bansa. Ang kalambatan ay nagpatakbo ng mga istasyon sa bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN Regional, isang dibisyon ng kumpanya na kumontrol sa 80 nitong istasyon sa bansa.[9][15] Ang mga programa nito ay maaari ring makita sa pamamagitan ng pandaigdigan himpilang pansubskripsyon na The Filipino Channel (TFC) na mayroong tatlong milyong sambahayan na nagbabayad saan man sa mundo, kasama rin dito ang terestriyal sa Guam sa pamamagitan ng KEQI-LD. Magmula pa noong 2011, ang himpilan ay nagpapalabas na gamit ang paraan na telebisyong digital terestriyal gamit ang ISDB-T na nagmula sa bansang Hapon, sa ilang bahagi ng bansa. Nakipagpartner rin ito sa KANTAR Media Inc. Ang ratings provider ng ABS-CBN at ibang media entity. Noong Oktubre 3, 2015, Nagsimulang mag-broadcast sa high definition sa pamamagitan ng kaakibat na direct-to-home cable at sattelite television providers.[14]
Ang ABS-CBN ay inisyu ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) at Solicitor General Jose Calida noong Mayo 5, 2020, matapos tumanggi ang NTC na i-renew ang lisensya ng network noong Pebrero 2020. Nag-expire ang lisensya ng franchise noong Mayo 4, 2020, at makalipas ang isang araw, opisyal na nag-sign off ang ABS-CBN sa gabi. Itinayo noon ang Kapamilya Channel bilang kapalit ng pangunahing terrestrial channel nito na maaari lamang matingnan sa pamamagitan ng cable, satellite at online. Ang isang web-based na channel na Kapamilya Online Live ay na-set up din para eksklusibong mag-livestream ng ilan sa mga nilalaman nito sa online na video-sharing platform na Facebook at YouTube.
Noong Oktubre 10, 2020, Ang A2Z Channel 11 ay inilunsad bilang pansamantalang terrestrial channel space ng network sa pamamagitan ng blocktime agreement sa pagitan ng ABS-CBN Corporation at ZOE Broadcasting Network. Ilan sa mga programa ng ABS-CBN Entertainment ay ipalalabas sa TV5 simula Enero 24, 2021
Habang nadadagdagan ang kanilang presensya sa internet sa gitna ng pagsasara ng pangunahing terrestrial network nito, ang mga social media account ng ABS-CBN Entertainment ay pangunahing pinamamahalaan ng ABS-CBN Digital Media,[16] na may tinatayang wala pa sa 100 milyon na followers at subscribers sa Facebook, Twitter, Instagram, YouTube (Bagama't partnership sa ABS-CBN dapat sa YouTube at YouTube Super Stream Philippines), Kumu (sa pamamagitan ng partnership ng Pinoy Big Brother live streaming at iba pang online na palabas), at TikTok.[17] Kabilang dito ang mga social media account ng mga dibisyon nito (kabilang ang ABS-CBN News, ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Sports at ABS-CBN Star Music) at programa (kabilang ang The Voice Philippines, I Can See Your Voice Philippines, Pilipinas Got Talent, Idol Philippines, Pinoy Big Brother, Your Face Sounds Familiar Philippines, Pinoy Boyband Superstar, Your Moment at World of Dance Philippines) na may pangunahing account ng ABS-CBN sa buong social media ay may higit 70 milyong followers samantalang higit sa 21 milyong likes at 31 milyong followers sa Instagram. Simula noong Hunyo 30, 2021, ang YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ay kasalukuyang pinakana-subscribe at pinaka-pinapanood na channel sa Timog-silangang Asya sa mahigit 36.7 milyong subscriber at mahigit 44.1 bilyong view sa YouTube na higit pa sa WorkpointTV ng Thailand.[17][18][19]
Pangunahing nakatuon ang ABS-CBN Entertainment sa pagiging isang content company, na kinabibilangan ng paggawa ng mga programa sa telebisyon, pelikula at iba pang nilalaman at pamamahagi ng aliwan.[17][20]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: |last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: |last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: Check date values in: |archive-date=
(tulong)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)