Ang Aklat ni Habacuc[1][2], Aklat ni Habakkuk[3], o Aklat ni Habakuk[4] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Habakuk. Sinasabing nilalaan ang aklat na ito para sa mga taong may katanungan kung nakikinig ba ang Diyos sa mga panalangin.[5] Katulad ng Aklat ng mga Salmo, ginagamit ito ng mga Hudyo para sa kanilang mga pagdiriwang na pampananampalataya.[1]
↑Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Habakkuk". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.
↑Binawasan ng isang k para umayon sa palabaybayang Tagalog; mula sa pinagmulang Habakkuk
↑Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Habacuc". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.