Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2007)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang aklatan ay isang silid o gusaling may koleksiyon ng mga aklat. Madalas itong puntahan ng mga taong ninanais na huwag bumili o di kaya ay walang pambili ng aklat. Karaniwan ay may mga koleksiyon din ng pahayagan at mga magazine sa mga aklatan.
Ang koleksiyon ng aklatan ay maaari rin namang kapalooban ng mga produkto ng makabagong teknolohiya gaya ng mga CD, DVD, audio tapes, video tapes at iba pang multimedia. Sa makabagong panahon, ang mga modernong mga aklatan ay nakapaghahandog narin ng serbisyo ng internet sa kanilang mga kliyente.