Alaminos Lungsod ng Alaminos | |
---|---|
Mapa ng Pangasinan na nagpapakita sa lokasyon ng lungsod ng Alaminos. | |
Mga koordinado: 16°09′19″N 119°58′51″E / 16.155314°N 119.980769°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Ilocos (Rehiyong I) |
Lalawigan | Pangasinan |
Distrito | Unang Distrito ng Pangasinan |
Mga barangay | 39 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Manghalalal | 62,546 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 164.26 km2 (63.42 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 99,397 |
• Kapal | 610/km2 (1,600/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 25,195 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-4 na klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 17.53% (2021)[2] |
• Kita | (2022) |
• Aset | (2022) |
• Pananagutan | (2022) |
• Paggasta | (2022) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 2404 |
PSGC | 015503000 |
Kodigong pantawag | 75 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | Pangasinan Wikang Iloko wikang Tagalog |
Websayt | alaminoscity.gov.ph |
Ang Alaminos, o sa opisyal na tawag, Lungsod ng Alaminos (Pangasinan: Ciudad na Alaminos, Ingles: City of Alaminos) ay isang lungsod sa kanlurang Pangasinan sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 99,397 sa may 25,195 na kabahayan. Pinalilibutan ito ng mga bayan ng Sual, Bani at Mabini at ng Golpo ng Lingayen.
Matatagpuan din sa lungsod ang Hundred Islands National Park na binubuo ng 123 maliit na pulo ay matatagpuan sa katubigang sakop ng Barangay Lucap. Sa Alaminos itinatag Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 26, 1968.
Matinding tinamaan ng Bagyong Emong ang Alaminos noong Mayo 2009 na nagwasak ng maraming mga kabahayan at ng simbahan.
Ang Alaminos ay pinangungunahan ng mapamahal, maalalahanin at may malasakit sa bayan na si Mayor Arthur del Fierro Celeste. Sa pagiging magaling na leader niya at ama ng bayan ay naging Mayor uli siya nitong huling halalan 2017.
May produkto merong maipagmamalaki ang bayan ng Alaminos City, ito ay masarap at binabalik balikan ng mga tao mapa Alaminos man o hindi. Ito ay ang "longganisa".
Taon taon ginaganap ang masayang Fiesta ito ay nagsisimula sa Marso 4. Maraming aktibidad na ikinasisiya ng mga tao doon gaya ng Gay Boxing, Ms. Hundred Islands, street dancing, hip hop dance, atbp.