Alpabetong Griyego | |
---|---|
Uri | Alpabeto |
Mga wika | Griyego, na may kaunting pagbabago sa iba't ibang wika. |
Panahon | ~800 BC hanggang sa kasalukuyan[1] |
Mga magulang na sistema |
Alpabetong Proto-Kanaanita
|
Mga anak na sistema | Gotiko Glagolitiko Siriliko Koptiko Alpabetong Armenyo Alpabetong Lumang Italiko Alpabetong Latin |
ISO 15924 | Grek, 200 |
Direksyon | Kaliwa-kanan |
Alyas-Unicode | Greek |
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
Alpabetong Griyego | |||
---|---|---|---|
Αα | Alpha | Νν | Nu |
Ββ | Beta | Ξξ | Xi |
Γγ | Gamma | Οο | Omicron |
Δδ | Delta | Ππ | Pi |
Εε | Epsilon | Ρρ | Rho |
Ζζ | Zeta | Σσς | Sigma |
Ηη | Eta | Ττ | Tau |
Θθ | Theta | Υυ | Upsilon |
Ιι | Iota | Φφ | Phi |
Κκ | Kappa | Χχ | Chi |
Λλ | Lamda | Ψψ | Psi |
Μμ | Mu | Ωω | Omega |
Bilang titik | |||
Stigma | Sampi | ||
Koppa | |||
Hindi na ginagamit na mga titik | |||
Digamma | San | ||
Heta | Sho | ||
Diyakritiko sa Griyego |
Ang alpabetong Griyego ay binubuo ng dalawampu't apat na titik na ginagamit sa pagsulat ng wikang Griyego mula sa pagbubukas ng ika-labinsiyam na siglo. Ito rin ang itinuturing na pinakauna at pinakamatandang palatitikan kung saan ang bawat patinig at katinig ay kinakatawanan ng isa at naiibang mga simbolo.[2] Ito ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa pagpasok ng ikalawang siglo CE, ang mga palabilangan ng mga Griyego ay ibinase rin dito.
Ang alpabetong Griyego ay nagmula sa alpabetong Penisyo bagamat hindi ito kaugnay sa palatitikan ng Tsipre. Ang alpabetong Griyego ang pinagmulan ng iba pang mga titik sa Europa at sa Gitnang Silangan kabilang na ang alpabetong Latin.[2] Sa pangkalahatan, halos lahat ng titik sa alpabetong ito ay ginagamit ding simbolo sa matematika at pisika, pisika ng partikula, pangalan ng mga kapatiran ng mga lalaki at kapatiran ng mga babae (fraternity and sorority) at iba pang gamit.