Ang anahenesis o anagenesis na kilala rin bilang "phyletic change" ang ebolusyon ng species na kinasasangkutan ng buong populasyon sa halip na isang pangyayari ng pagsasangay gaya ng sa kladohenesis. Kapag ang mga sapat na mutasyon ay nangyari at naging matatag sa isang populasyon upang ito ay maging malaking naging iba mula sa populasyong ninuno nito, ang isang bagong species ay maitatakda. Ang mahalagang punto dito ay ang buong populasyon ay iba mula sa ninunong populasyon nito sa gayong ang populasyong ninuno nito ay maituturing na ekstinto. Ang isang serye ng gayong species ay sama samang tinatawag na evolutionary lineage.[1][2]
Ang anahenesis ay tinutukoy rin bilang "unti unting ebolusyon". Ikinatwiran ng pilosopo ng agham na si Marc Ereshefsky na ang paraphyletic taxa ay resulta ng anahenesis. Ang linyang tumutungo sa mga ibon ay malaking naghiwalay mula sa mga butiki at buwaya na pumapayag sa mga ebolusyonaryong taksonomista na hiwalay na uriin ang mga ibon mula sa mga butiki at buwaya na pinapangkat na mga reptilya.[3]