Ang dalubkatawan[1] ng tao o anatomiya ng tao ay ang maka-agham na pag-aaral ng morpolohiya ng may-gulang na katawan ng tao.[2] Hinati-hati ito sa mga bahaging magaspang na anatomiya (gross anatomy) at mikroskopikong anatomiya (microscopic anatomy).[2] Ang magaspang na anatomiya (na tinatawag ding topograpikong anatomiya, anatomiyang rehiyonal, o antropotomiya) ay ang pag-aaral ng mga istrukturang pang-anatomiya na makikita ng mga mata na hindi tinutulungang ng mga kagamitang katulad ng salamin o mikroskopo.[2] Ang mikroskopikong anatomiya ay ang pag-aaral ng mga maliliit na istrukturang anatomikal sa tulong ng mga mikroskopo, na kinabibilangan ng histolohiya (ang pag-aaral ng organisasyon ng mga tisyu),[2] at ng sitolohiya (ang pag-aaral ng mga selula).
Sa ilan sa mga aspeto ng anatomiya ng tao, may kaugnayan ito sa embriyolohiya, pinaghahambing na anatomiya at pilohenetika (o pinaghahambing na embriyolohiya),[2] dahil sa magkakaparehong ugat sa ebolusyon; halimbawa, namamalagi pa sa katawan ng tao ang mga isinaunang segmento ng mga parisan na nakatanghal sa lahat ng mga bertebrado na may inuulit na mga payak na pangkat, na natatanging magigisnan sa gulugod at sa kulungang-tadyang, at maaaring bakasin mula sa mga isinaunang mga embriyo.
Binubuo ng mga sistema ang katawan ng tao, na binubuo ng mga organo na binubuo naman ng tisyu, na siya namang binubuo ng selula at tisyung pandugtong.
Sinasabing ang kasaysayan ng anatomiya, sa loob ng matagal na panahon, sa patuloy na pag-unawa sa mga tungkulin ng mga organo at istruktura sa loob ng katawan. Malaki ang ipinagbuti ng mga pamamaraan, na tumalon mula sa mga eksaminasyon ng mga hayop na lumalagos sa paghiwa (diseksiyon) ng mga inimbak o preserbadong patay na mga katawan ng tao hanggang sa masalimuot na mga pamamaraang pangteknolohiya na sumulong at napabuti sa loob ng ika-20 siglo.