Gallbladder | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | vesica biliaris, vesica fellea |
Tagapagpauna | Foregut |
Sistema | Digestive system |
Cystic artery | |
Cystic vein | |
Celiac ganglia, vagus nerve[1] | |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1197 |
TA | A05.8.02.001 |
FMA | 7202 |
Ang apdo[2] o abdo[3] (Ingles: gallbladder, gall-bladder, gall bladder[2], cholecyst) ay isang maliit na organo sa loob ng katawang tumutulong sa gawaing panunaw o proseso ng dihestiyon. Ito rin ang nag-iipon ng likidong apdo o apdo lamang (gall o bile sa Ingles[2]), isang mapait na katas na nanggagaling at ginagawa mula sa atay.[2] Kahugis ng prutas na peras ang organong apdo na nasa loob ng puson. Nakapagtatabi ito ng mga 50 mililitro ng maasim o maasidong likidong apdo hanggang sa kailanganin na ito ng katawan para gamitin sa pagtunaw ng pagkain o prosesong dihestibo. Sa tao, may sukat na 7 hanggang 10 sentimetro ang haba ng organong apdo, may maitim na lunti ang kulay na dulot ng nilalaman nitong likidong apdo. Nakaugnay ito sa atay at duodenum sa pamamagitan ng bungkos na makaapdo o rehiyong pang-apdo. Sa ilang sanggunian, nagagamit na pantawag ang "apdo" para sa glandulang pali ng katawan.[4]