Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Aphrodite

Si Aphrodite, ayon sa depiksiyon ni William-Adolphe Bouguereau.
Pagsilang ni Benus, iginuhit ni Sandro Botticelli, c. 1485–1486.

Si Aproditi o Afroditi (Griyego: Αφροδίτη; Latin: Aphrodite) ay ang diyosa ng pag-ibig sa mitolohiya ng mga Griyego. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si Venus, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan.[1] Anak na babae si Aproditi ni Zeus at ni Dione, isang diwata.[1]

Ayon sa isang bersiyon ng salaysay ukol sa kanya, ipinanganak si Aproditi mula sa aphros o bula ng dagat.[1][2]

Lalaking anak niya kay Ares si Eros (Kupido). Siya rin ang ina ng bayaning Troyanong si Aeneas, mula sa pakikipag-ugnayan niya kay Anchises. Tinunton nina Julius Caesar at Augustus ang kanilang pinagmulang linyahe o ninuno mula kay Benus, sa pamamagitan ng pinagmulan ni Aeneas.[1][2]

Kapag nakadama ng pag-ibig ang mga lalaki at babae ng mundo, sinasamba nila sa Aproditi. Mayroon siyang matamis na ngiti at mahiligin sa paghalakhak. Mayroon siyang isang hindi magandang katangian: nagiging pagtuya at kanyang halakhak, at mayroon din siyang kakayahan at kapangyarihang lumipol o manira.[2]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Aphrodite, Venus". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907., pahina 107.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Aphrodite (Venus) at Cupid". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 361.

Previous Page Next Page






Afrodite AF Aphrodite ALS Afrodita AN أفروديت Arabic افروديت ARZ এফ্ৰোডাইটি AS Afrodita AST Afrodita AZ آفرودیتا AZB Афродита BA

Responsive image

Responsive image