Ang apog o kabuyaw[1] (Ingles: lime o agricultural lime) ay isang mineral na gamit sa paglilinang ng sakahang lupa.[2]. Bago maging panghalo sa lupa, nagmumula ito sa pinulbos na mga batong-apog o kaya mula sa tisa. Tinatawag din itong pirali at kalbida.[3]Apugan ang tawag sa pabrika o pagawaan ng mga apog. Nangangahulugan din ang apugan ng kilos o galaw na paglalagay ng apog, na katumbas ng mag-apog. Apugin naman ang ginagamit na salita para sa "paggawa ng apog" o "gawing apog".[2]