Arangkada | |
---|---|
Mga kadalasang simbulo | a |
Yunit SI | m/s2, m·s−2, m s−2 |
Pagkahango mula sa ibang kantidad | |
Dimensiyon |
Sa mekanika, ang arangkada (mula Kastila: arrancada, lit. 'biglaang pagsimula')[1] o pagbilis (Ingles: acceleration), kilala ring aselerasyon (mula Kastila: aceleración) o akselerasyon (mula Ingles: acceleration), ay ang antas ng pagbago sa tulin ng isang bagay sa paglipas ng oras. Tulad ng tulin, isa ring kantidad na bektor ang arangkada; ibig sabihin, parehong may kalakhan at direksyon ito. Ang oryentasyon (direksyon ng harap) ng arangkada ng isang bagay ay dumedepende sa oryentasyon ng netong puwersa sa bagay na iyon. Dahil sa ikalawang batas ni Newton, ang kalakhan ng arangkada ay nangyayari dahil sa dalawang sanhi:
Ang yunit ng SI para sa arangkada ay ang metro kada segundo kuwadrado (m/s2).