![]() Ang Arko ni Tito na nagpapakita ng mga kinuha ng mga Romano mula sa winasak na Templo kabilang ang Menorah | |
Kinaroroonan | Regio X Palatium |
---|---|
Mga koordinado | 41°53′26.5812″N 12°29′18.906″E / 41.890717000°N 12.48858500°E |
Klase | honorific arch |
Kasaysayan | |
Nagpatayô | Emperor Domitian |
Itinatag | c. 81 CE |
Ang Arko ni Tito (Italyano: Arco di Tito; Latin: Arcus Titi) ay isang arko na nagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo sa Unang Digmaang Hudyo-Romano na humantong sa pagwasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem (Ikalawang Templo sa Herusalem) o Templo ni Herodes noong 70 CE.[1] Ito ay matatagpuan sa Via Sacra, Roma, Italya sa timog silangan ng Roman Forum. Ito ay ginawa noong c. 81 CE ni emperador Domiciano pagkatapos ng kamatayan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Titus upang alalahanin ang opisyal na deipikasyon nito o consecratio at pagwawagi ng Romano laban sa mga Hudyo.[2][2] Ito ay nagpapakita ng Menorah na simbolo ng Hudyong diaspora at naging emblem ng estado ng Israel.[3]