Ang arterya ay ang malaking ugat na dinadaanan ng dugo. Nanggagaling ang ugat na ito mula sa puso patungo sa iba't ibang bahagi ng katawan upang magdala ng oksiheno at sustansiya patungo sa mga organo ng katawan.[1] Sa medisina, ito ang isa sa mga tubong nagdadala ng dugo mula sa puso palabas na patungo sa lahat ng mga bahagi ng katawan.[2]