Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Bakalaw

Gadidae
Gadus morhua
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Gadidae
Sari/Henero

Basahin ang lathalain para sa mga uri at sari.

Ang bakalaw[1] (Ingles: cod o codfish) o kalaryas[2] ay isang pangkaraniwang katawagan sa mga isdang nasa saring Gadus, na nabibilang sa pamilyang Gadidae, at ginagamit din na karaniwang pangalan para sa iba't iba pang uri ng mga isda. Isang tanyag na pagkaing isda ang mga bakalaw na may katamtamang lasa, mababang bilang ng lamang-taba, at makapal na maputing kalamnan na madaling himayin. Ang mga atay ng bakalaw ay napagkukunan ng mga langis ng bakalaw[1], na pinanggagalingan ng bitamina A, D at mga matabang asidong omega-3 (ang EPA at DHA). Kung minsan, ang mga malalaking bakalaw na nahuhuli sa kapanahunan ng pagpupunla ay tinatawag na skrei. Bihira ang bakalaw sa Pilipinas,[1] bagaman maaaring makabili ng inasnan at tinuyong bakalaw mula sa mga tindahan ng mga pagkaing Kastila at Portuges.[3]

  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Bakalaw, langis ng bakalaw". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  2. Gaboy, Luciano L. Cod, bakalaw, kalaryas - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Bacalao". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).

Previous Page Next Page






Europese kabeljou AF بقلة (سمك) Arabic Cod English ماهی روغن FA Morue French Bakalau ID Merluzzo Italian ಕಾಡ್ ಮೀನು KN कॉड MR Dorsz Polish

Responsive image

Responsive image