Ang balakang o bugnit[1] (Ingles: pelvis o hip) ay ang mabutong kayarian sa may pang-ibabang hangganan ng gulugod (o katapusang kaudal). Kasangkap ng balakang ang paikutan ng ugpungan sa balakang para sa bawat hita ng mga nakalalakad sa pamamagitan ng dalawang paa o panlikod na mga hita ng mga naglalakad sa pamamagitan ng apat na paa. Binubuo nito ang bigkis ng mga pang-ibabang mga sanga (o panlikod na mga sanga) ng sangkabutuhan. Kung minsan, natatawag o nagiging pantukoy din ito sa baywang at lomo.