Baybayin | |
---|---|
Uri | Abugida |
Mga wika | Tagalog, Sambali, Iloko, Kapampangan, Bikol, Pangasinense, Mga wika sa Kabisayaan[1] |
Panahon | Ika-14 siglo (o mas luma pa)[2] - Ika-18 siglo (muling ibinuhay sa modernong panahon)[3] |
Mga magulang na sistema | |
Mga anak na sistema | • Sulat Hanunuo • Sulat Buhid • Sulat Tagbanwa • Sulat Palaw'an |
Mga kapatid na sistema | Sa ibayong dagat • Balines (Aksara Bali, Hanacaraka) • Batak (Surat Batak, Surat na sampulu sia) • Habanes (Aksara Jawa, Dęntawyanjana) • Lontara (Mandar) • Sundanes (Aksara Sunda) • Rencong (Rentjong) • Rejang (Redjang, Surat Ulu) |
ISO 15924 | Tglg, 370 |
Direksyon | Kaliwa-kanan |
Alyas-Unicode | Tagalog |
Lawak ng Unicode | U+1700–U+171F |
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
Ang Baybayin (walang birama: , krus na pamatay-patinig: , pamudpod na pamatay-patinig: ), kilala rin sa maling katawagan[4] nitong Alibata (mula sa Arabe na alifbata) ay isa sa mga suyat na ginamit sa Pilipinas. Isa itong alpasilabaryo, at bahagi ng pamilya ng sulat Brahmi. Laganap ang paggamit nito sa Luzon at sa ilang parte ng Pilipinas noong ika-16 hanggang ika-siglo bago mapalitan ito ng sulat Latin.
Sa kasalukuyan, ginagamit ang Baybayin bilang sining. May mga grupong nabuo para muli itong buhayin at gamitin. May mga batas rin ang nagawa para itaguyod ito pati na rin ang iba pang mga sistema ng panulat ng Pilipinas.[5]
Isinakodigo sa Unicode ang mga titik nito noong 2002. Ipinanukala ito ni Micheal Everson noong 1998 kasama ng sulat Tagbanwa, Hanuno'o, at Buhid.
Ang Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila ang may hawak sa kasalukuyan sa pinakamalaking koleksyon ng mga sinaunang pagsulat sa Baybayin sa buong mundo.[6][7][8][9] Dahil rito, binigyan ito ng nominasyon para mapasama sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO, kasama na ang buong unibersidad.
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang artedelalengatagalog
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang baybayin
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang QuoraBaybayin
); $2