Benigno Aquino Jr. | |
---|---|
Senador ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1967 – 23 Setyembre 1972[1] | |
Presidential Adviser on Defense Affairs | |
Nasa puwesto 1949–1954 | |
Gobernador ng Tarlac | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1961 – 30 Disyembre 1967 | |
Pangalawang Gobernador ng Tarlac | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1959 – 30 Disyembre 1961 | |
Alkalde ng Concepcion, Tarlac | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1955 – 30 Disyembre 1959 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 27 Nobyembre 1932 Concepcion, Tarlac, Pilipinas |
Yumao | 21 Agosto 1983 Paliparang Pandaigdig ng Maynila, Lungsod ng Parañaque, Kalakhang Maynila, Pilipinas | (edad 50)
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika |
|
Asawa | Corazon Aquino |
Tahanan | Times Street, Lungsod Quezon |
Alma mater | Unibersidad ng Pilipinas (hindi nagtapos) Pamantasang Ateneo de Manila (hindi nagtapos) Mataas na Paaralan ng San Beda (Nagtapos, 1948) |
Trabaho | Mamamahayag, Politiko |
Propesyon | Mamamahayag, sibil tagapaglingkod |
Si Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr.[2][3][4][5], mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ito ay ipagamot sa Amerika. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.
Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law) ng diktadoryang Ferdinand Marcos, si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril. Ang kanyang brutal na pagkamatay noong 21 Agosto 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.
Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dektadoryang Pangulong Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.