Ang Benus (Ingles: Venus; sagisag: ) ay ang ikalawang buntala sa sangkaarawan. Pinangalanan mula sa diyosa ng pag-ibig at kagandahan ng mga Romano, ito ay pang-anim na pinakamalaking planeta sa sistemang solar. Binabansagang itong Lusiper kapag lumilitaw ang planetang ito bilang "bituin ng umaga".[2] Ang Benus ay umiikot ng isang rebolusyon kada 224.7 mundong araw. Dahil ang haba ng isang araw sa Benus ay 243 mundong araw, ang Benus ang may pinakamahabang oras ng pag-ikot sa sarili nitong aksis kaysa sa ibang mga planeto sa sistemang solar. Ang Benus ay walang buwan, tulad ng Merkuryo.