Nakaturo ang "Kabilisan" dito. Para sa kabilisan bilang belosidad, tingnan ang
Belosidad.
Tungkol sa bilis bilang ang layo na naigagalaw ng isang bagay sa loob ng partikular na dami ng panahon ang artikulo na ito. Para sa bilis bilang ang abilidad ng katawan na mag-iba ng posisiyon sa tamang paraan, tingnan ang
Liksi.
Ang bilis o tulin (Ingles: speed), kilala rin bilang sablay, dali, o liksi,[1] ay ang distansiya o layo na naigagalaw ng isang bagay sa loob ng partikular na dami ng panahon. Isang sukat ng kung gaano katulin o kabilis gumalaw ang isang bagay. Kaiba ito mula sa belosidad o hagibis.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Speed, bilis, tulin, dali, sablay, liksi". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.