Kasalukuyan pong nangyayari ang pangyayaring dinodokumento ng Pagaalburoto ng bulkan na ito. (Hunyo 2023)
Maaaring mabilis pong magbago ang mga impormasyon habang umuusad po ang pangyayari, at maaari rin pong hindi mapagkakatiwalaan ang mga paunang balita (breaking news). Depende sa aktibidad ng pahinang ito, maaari pong hindi updated ang impormasyong nakalagay rito. Malaya po kayong baguhin ang kahit ano sa Pagaalburoto ng bulkan na ito. Pakatandaan lamang po na maaaring matanggal ang mga pagbabagong hindi totoo o walang kaakibat na sanggunian. Maaari rin pong pag-usapan ang mga pagbabago rito sa pahina ng usapan nito. |
Bulkang Kanlaon | |
---|---|
Bundok Kanlaon | |
Ang Bulkang Kanlaon habang tinatanaw mula sa silangan. | |
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 2,435 m (7,989 tal) |
Prominensya | 2,435 m (7,989 tal) |
Pagkalista | Ultra |
Mga koordinado | 10°24′42″N 123°07′54″E / 10.41167°N 123.13167°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Pulo ng Negros, Pilipinas |
Rehiyon | PH |
Heolohiya | |
Uri ng bundok | Istratobulkan |
Arko/sinturon ng bulkan | Sinturong Mabulkan ng Negros |
Huling pagsabog | 2006 |
Ang Bulkang Kanlaon (Hiligaynon: Bulkan sang Kanlaon; Sebwano: Bulkan sa Kanlaon; Ingles: Kanlaon Volcano; Kastila: Volcán de Canlaon, Malaspina), na binabaybay din bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.
Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan na unang inilunsad noong 8 Agosto 1934.[1][2] Isa ito sa masisiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.