Ang burgesya (Ingles: bourgeoisie na nagiging bourgeois sa anyong pang-uri, Kastila: burguesía "burzua/sei":spain) ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Dumami ang ganitong mga uri ng tao noong (Panahon ng Eksplorasyon).[1] Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista (tingnan ang kapitalismo), mga nangangapital, mga namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal. Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burges ang katunggali ng mga proletaryo.[2]