Calabarzon Timog Katagalugan Rehiyong IV-A | |
---|---|
Mula sa kaliwa hanggang kanan, taas hanggang baba: Aguinaldo Shrine; Dambanang Rizal; Bulkang Taal; Basilika ng Taal; Hinulugang Taktak; Bundok Banahaw | |
Bansag: "Calabarzon sa Habang Panahon!" | |
![]() Lokasyon sa Pilipinas | |
Mga koordinado: 14°00′N 121°30′E / 14°N 121.5°E | |
Bansa | ![]() |
Kapuluan | Timog Luzon |
Punong sentro | Calamba |
Pinakamalaking lungsod | Antipolo |
Lawak | |
• Kabuuan | 16,873.31 km2 (6,514.82 milya kuwadrado) |
Populasyon (senso ng 2020)[1] | |
• Kabuuan | 16,195,042 |
• Kapal | 960/km2 (2,500/milya kuwadrado) |
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao | |
• HDI (2018) | 0.737[2] Mataas · Ikalawa |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-40 |
Mga lalawigan | |
Mga lungsod | |
Mga bayan | 123 |
Mga barangay | 4,011 |
Mga distritong pang-kapulungan | 19 |
Mga wika |
Ang Calabarzon, opisyal na tinatawag bilang Timog Katagalugan at itinalagang Rehiyong IV-A, ay isang rehiyong pangangasiwaan ng Pilipinas. Binubuo ang rehiyon ng limang lalawigan: Batangas, Kabite, Laguna, Quezon, and Rizal at isang lubos na urbanisadong lungsod, ang Lucena. Ang rehiyon ay ang pinaka mataong rehiyon sa Pilipinas ayon sa Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, ng binubuo ng 14.4 milyong mamamayan[3] noong 2020, at ang pangalawang may pinaka makapal na populasyon sunod sa Pambansang Punong Rehiyon.[1] Ang rehiyong sentro ng Calabarzon noong 2003 ay ang lungsod ng Calamba City na noon ay Lucena noong 2002.
Matatagpuan ang rehiyon sa timog silangan ng Kalakhang Maynila, at napapalibutan ng Look ng Maynila sa kanluran, Look ng Lamon at Bicol sa silangan, Look ng Tayabas at Dagat Sibuyan sa timog, at Gitnang Luzon sa hilaga. Ang rehiyon ay tahanan sa mga lugar katulad ng Bundok Makiling malapit sa Los Baños, Laguna at Bulkang Taal sa Batangas., Ang mga lungsod ng Lucena, Calamba at Tagaytay ang mga nahirang bilang kapitolyo at pederalismong kapitolyo.
Mula sa pagkakatatag nito bilang isang rehiyon, ang Calabarzon, kasama ang Mimaropa, lalawigan ng Aurora, at ilang parte ng Kalakhang Maynila, ay binuo ang makasaysayang rehiyon ng Timog Katagalugan, hanggang sa paghihiwalay nito noong 2002 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103.[4]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)