Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


DNA

Iskimatikong paglalarawan ng DNA na pinapakita ang kayarian niyang dobleng likaw (ang double helix).

Ang Deoxyribonucleic acid (DNA) (Tagalog: asidong deoksiribonukleiko) ay isang nukleikong asido na naglalaman ng mga henetikong instruksiyon na ginagamit sa pag-unlad at paggana ng lahat ng alam na mga buhay na organismo maliban sa mga RNA virus. Ang mga segmentong DNA na nagdadala ng mga henetikong impormasyong ito ay tinatawag na mga gene. Gayundin, ang ibang mga sekwensiyang DNA ay nag-aangkin ng istraktural na mga tungkulin o sangkot sa pagreregula ng paggamit ng henetikong impormasyong ito. Kasama ng RNA at mga protina, ang DNA ay isa sa tatlong pangunahing makromolekula na mahalaga para sa lahat ng alam na mga anyo ng buhay.

Animasyon ng DNA

Ang DNA ay binubuo ng dalawang mahabang polimero ng mga simpleng unit na tinatawag na nucleotide na may mga likurangbuto(backbone) na gawa sa asukal(sugar) at mga pangkat phospate na pinagsanib ng mga bigkis na ester(ester bonds). Ang dalawang mga strandong(strands) ito ay tumatakbo sa magkabaliktad na mga direksiyon sa bawat isa at kaya ay anti-paralelo. Ang mga nakakabit sa bawat asukal ay isa sa apat na mga uri ng molekulang tinatawag na nucleobases(na inpormal na tinatawag na bases. Ang sekwensiya ng mga apat na nucleobases sa kahabaan ng likurangbuto(backbone) na nagkokodigo ng impormasyon. Ang impormasyong ito ay binabasa gamit ang henetikong kodigo(genetic code) na tumutukoy sa sekwensiya ng mga asidong amino sa loob ng mga protina. Ang kodigong ito ay binabasa sa pamamagitan ng pagkokopya ng mga hatak(stretches) ng DNA sa mga kaugnay na nukleikong asidong RNA sa isang prosesong tinatawag na transkripsiyon.

Sa loob ng mga selula, ang DNA ay isinaayos sa mahabang mga istrakturang tinatawag na kromosoma. Sa paghahati ng selula, ang mga kromosomang ito ay dinuduplika(duplicated) sa prosesong tinawatag na Replikasyon ng DNA na nagbibigay sa bawat selula ng kumpleto nitong hanay ng mga kromosoma. Ang mga eukaryotikong organismo(mga hayop, halaman, fungi at protista) ay nag-iimbak ng halos lahat ng mga DNA nito sa loob ng nucleus ng selula at ilang mga DNA nito sa organelo(organelles) gaya ng mitochondria o chloroplast. Salungat dito, ang mga prokaryote(bacteria at archaea) ay nag-iimbak ng DNA ng mga ito sa cytoplasma lamang. Sa loob ng mga kromosoma, ang mga protinang chromatin gaya ng histone ay nagsisiksik at nagsasaayos ng DNA. Ang mga siksik na istrakturang ito ay gumagabay sa mga interaksiyon sa pagitan ng DNA at ibang mga protina na tumutulong sa pagkontrol kung aling mga parte ng DNA ay tinatranskriba.


Previous Page Next Page