Dakilang Constantino | |
---|---|
Ika-57 Emperador ng Imperyo Romano | |
Paghahari | 25 Hulyo 306 CE – 29 Oktubre 312 CE[notes 1] 29 Oktubre 312 – 19 Setyembre 324[notes 2] 19 Setyembre 324 – 22 Mayo 337[notes 3] |
Buong pangalan | Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus |
Kapanganakan | 27 Pebrero ca. 272[2] |
Lugar ng kapanganakan | Naissus, Moesia Superior, kasalukuyang Serbia |
Kamatayan | 22 Mayo 337 | (edad 65)
Lugar ng kamatayan | Nicomedia |
Sinundan | Constantius I |
Kahalili | Constantino II Constantius II Constans I |
Konsorte | Minervina, namatay o nadiborsiyo bago ang 307 Fausta |
Supling | Constantina Helena Crispus Constantine II Constantius II Constans |
Dinastiya | Dinastiyang Constantinian |
Ama | Constantius Chlorus |
Ina | Santa Elena |
San Constantino | |
---|---|
Emperor, Confessor, Equal to the Apostles | |
Benerasyon sa |
|
Pangunahing dambana | Church of the Holy Apostles , Constantinople kasalukuyang Istanbul, Turkey |
Kapistahan | 21 May |
Katangian | Chi Rho Labarum In Hoc Signo Vinces |
Patron | Converts |
Si Caesar Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus[3] (27 Pebrero c. 272[2] – 22 Mayo 337), karaniwang kilala bilang Constantino I, Dakilang Constantino, Constantino ang Dakila, o (sa Silanganing Simbahang Ortodokso, Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya, Ortodoksiyang Oriental at Simbahang Katoliko mga Kristiyano) San Constantino, ay gumanap na Emperador Romano mula 306 AD, at siyang walang kumalabang tagapaghawak ng tanggapan mula 324 hanggang kanyang kamatayan noong 337 AD. Kilalang-kilala dahil sa kanyang pagiging unang Kristiyanong Romanong emperador, binaligtad o tinanggal ni Constantino I ang mga pag-uusig na isinagawa ng kanyang pinalitang emperador na si Diocleciano, at naglabas ng (kapanalig ang kanyang kasamang emperador din na si Licinius) ang Edikto ng Milano noong 313, na nagpahayag at nagdeklara ng tolerasyon ng relihiyon sa kabuoan ng imperyo.
Nakatala sina Constantino I at ang kanyang inang si Helena ng Konstantinople bilang mga santo sa Bisantinong kalendaryong liturhikal, na sinusunod sa ritong Bisantino ng Silanganing Simbahang Ortodokso at ng Silanganing mga Simbahang Katoliko. Bagaman hindi siya kabilang sa talaan ng mga santo ng Simbahang Latin (sa ritong Latin), na kumikilala sa iba pang mga taong may pangalang Constantino bilang mga santo, pinaparangalan si Constantino I sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "Ang Dakila" sa kanyang pangalan dahil sa kanyang mga ambag sa Kristiyanismo.
Binago rin ni Constantino I ang sinaunang kolonyang Griyego ng Byzantium upang maging isang bago niyang tahanang imperyal, na mananatiling isang kabisera ng Imperyong Bisantino sa loob ng isang libong mga taon. Ang Byzantium ay naging Constantinople o "Lungsod ni Konstantino", na ngayo'y Istanbul.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "notes", pero walang nakitang <references group="notes"/>
tag para rito); $2