Digmaang Koreano | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Digmaang Malamig | |||||||||
Paikot pakanan mula itaas: Mga US Marines na bumabagtas sa mga linya ng mga Tsino sa kasagsagan ng kanilang pag-atras mula sa Lawa ng Chosin; paglapag ng mga sundalo ng Mga Nagkakaisang Bansa sa daungan ng Incheon kung saan nagsimula ang isang labanan roon; mga patakas na Koreano sa harap ng isang tangkeng pandigmang Amerikano; Mga US Marines na lumalapag sa Incheon sa pamumuno ni Unang Tinyente Baldomero Lopez; eroplanong pandigmang F-86 Sabre ng mga Amerikano | |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
Hilagang Korea | Timog Korea | ||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
Kim Il-sung Pak Hon-yong Choi Yong-kun Kim Chaek Mao Zedong Zhou Enlai Peng Dehuai Josef Stalin Nikita Khrushchev |
Rhee Syng-man Harry Truman Douglas MacArthur Dwight Eisenhower | ||||||||
Lakas | |||||||||
Kabuuhan: 3,316,000 260,000 3,000,000[1] 26,000 |
Kabuuhan: ~1,179,000 ~600,000 450,000 50,000 26,000 17,000 7,430[2] 5,500 4,000 4,000 3,400 1,400 1,300 1,300 1,300 900 830 44 | ||||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||||
Kabuuhan: ~1,400,000 lahat ng sanhi |
Kabuuhan: ~770,000 lahat ng sanhi, lahat ng mga bansang sumali sa digmaan | ||||||||
1,000,000-4,000,000 mga sibilyan ang nasawi |
Ang Digmaang Koreano ay hidwaang militar na nilaban sa pagitan ng Hilagang Korea at Timog Korea mula 1950 hanggang 1953.
Lumaya ang Korea sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang sumuko ang Imperyo ng Hapon. Pinagsangayunan ng Unyong Sobyetiko at Estados Unidos na pansamantalang hatiin ang tangway sa ika-38 hilera, ngunit sa pagsiklab ng tensyon sa Digmaang Malamig ay inabandona ang mga usapan sa reunipikasyon at ang dalawang sona ay naging soberanong estado. Inihayag ang sosyalistang Demokratikong Republikang Bayan ng Korea sa hilaga sa pamumuno ni Kim Il-sung at ang kapitalistang Republika ng Korea sa timog sa pangunguna ni Syngman Rhee.