Ang Digmaang Malamig[1] (Ingles: Cold War) ay panahon ng tensiyong politikal at tensiyong militar na naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991, nangyari ito dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa Ekonomiya, ang hindi pagkakasundo ng mga politiko, at tensiyong militar, ang "digmaan" ay sa pagitan ng mga kaunlarang mga bansa kasáma ang Estados Unidos at ang Unyong Sobyet kasáma ang mga kaalyado nito. Pinatanyag ang katawagang "Digmaang Malamig" ng tagapayong pampolitika at tagapondo na Amerikanong si Bernard Baruch[kailangan ng sanggunian] sa isang debate noong Abril 1947 tungkol sa Paniniwalang Truman.
Ang paghihirap ng Digmaang Malamig ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Ito ang labanáng pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong Sobyet). Naging labanán ito ng ideolohiya at tinawag na Digmaang Malamig dahil walang naganap na putúkan o tuwirang komprontasyon (ang mga proxy war ay hindi tuwiran) sa pagitan ng dalawang bansa.
Noong 1990, pagkatapos ng Digmaang Malamig, ang mga hukuman katulad ng Internasyonal na Hukumang Pangkrimen...
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)