Diosdado Macapagal | |
---|---|
Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1961 – 30 Disyembre 1965 | |
Pangulo | Carlos P. Garcia |
Pangalwang Pangulo | Emmanuel Pelaez |
Nakaraang sinundan | Carlos P. Garcia |
Sinundan ni | Ferdinand Marcos |
Ika-6 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1957 – 30 Disyembre 1961 | |
Nakaraang sinundan | Wala[1] |
Sinundan ni | Emmanuel Pelaez |
Personal na detalye | |
Isinilang | 28 Setyembre 1910 Lubao, Pampanga |
Yumao | 21 Abril 1997 Lungsod ng Makati |
Partidong pampolitika | Partidong Liberal |
Asawa | (1) Purita dela Rosa† (2) Evangelina Macaraeg |
Trabaho | Manananggol |
Si Diosdado Pangan Macapagal Sr. (Setyembre 28, 1910 – Abril 21, 1997) ay Pilipinong abogado, makata, at politiko na naglingkod bilang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965. Makikita siya sa dalawandaang piso na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ay ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin, wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal noong 8 Agosto 1963 upang maging ganap na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang 4 Hulyo 1946.