Disyertong Thar Thar Desert | |
Great Indian Desert | |
Disyertong Thar sa Rajasthan, India
| |
Mga bansa | Pakistan (25%), India (75%) |
---|---|
Estado | India: Rajasthan Haryana Punjab Gujarat Pakistan: Sindh Punjab |
Biyoma | Disyerto |
Plant | thorn scrub forest |
Animal | Chinkara |
Ang Disyertong Thar o Ilang ng Thar (Ingles: Thar Desert), na kilala rin bilang Dakilang Ilang ng Indiyano (Ingles: Great Indian Desert), ay isang malaki at tuyong rehiyon sa hilaga-kanlurang bahagi ng Indian subcontinent na bumubuo sa isang likas na hangganan sa pagitan ng India at Pakistan. Ito ay ang pampitong pinakamalaking disyerto sa mundo, at ang pansiyam na pinakamalaking disyertong subtropiko sa mundo.[1] Nasa 75% ng Disyertong Thar ay nasa India, at ang natitirang 25% ay sa Pakistan.[2] Sa India, umaabot ito sa mga 320,000 kilometro kuwadrado (120,000 milya kuwadrado), at bumubuo sa mga 10% ng kabuuang lawak pangheograpiya ng India. Higit sa 60% ng disyerto ay matatagpuan sa estado ng Rajasthan at umaabot sa Gujarat, Punjab, at Haryana.[3]