Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Dubai (sa Arabo: دبيّ, Dubayy) ay ang pinakamataong lungsod sa United Arab Emirates. Ito'y isa sa mga pitong sa naturang bansa kasama ang Abu Dhabi, Sharjah, Ras Al Khaimah, Fujairah, Ajman at Umm al-Quwain. Ito'y isa sa dalawang pinaka-mahalagang lungsod sa bansa kasama ang Abu Dhabi. Ang lungsod ay mayaman sa langis na isa sa pangunahin kita ng lungsod sunod na ang turismo, pinansiyal na serbisyo at mga property. Ito'y tanyag sa mga malalaking poryekto katulad ng Burj Khalifa, ang malalaking produksiyon ng langis at mga pangyayaring internasyonal katulad ng mga konsiyerto. Ang lungsod ay isang estado na kinikilala bilang isang Emirado, ito'y may sariling munisipyo, ito'y kinikilala bilang Munisipyo ng Dubai o kaya Estado ng Dubai.