Ang kabuhayang pandaigdigan o ekonomiks na pandaigdigan (Ingles: international economics) ay nakatuon sa mga epekto ng gawaing pang-ekonomiya ng mga pagkakaibang pandaigdigan sa mga napagkukunang pamproduksiyon at mga kagustuhan ng tagakonsumo at ng mga institusyon na nakakaapekto sa kanila. Nilalayon nitong maipaliwanag ang mga gawi at mga kinahihinatnan ng mga transaksiyon at mga interaksiyon sa pagitan ng mga naninirahan sa iba't ibang mga bansa, kabilang na ang pangangalakal, pamumuhunan, at migrasyon.
Samantala, ang kabuhayang pangmundo, ekonomiyang pandaigdig, o ekonomiyang pangglobo (Ingles: world economy, global economy) ay pangkalahatang tumutukoy sa ekonomiya, na nakabatay sa mga ekonomiya ng lahat ng mga bansa ng mundo o mga ekonomiyang pambansa. Maaari ring tanawin ang ekonomiyang global bilang ang ekonomiya ng lipunang pangglobo at mga ekonomiyang pambansa - bilang mga ekonomiya ng mga lipunang lokal, na gumagawang iisa ng globo o daigdig. Masusuri ito sa sari-saring mga uri ng mga pamamaraan, katulad ng batay sa ginamit na modelo o isang partikular na salaping umiiral (katulad ng dolyar ng Estados Unidos).