Ang Elohim (אֱלֹהִ֔ים) ay isang katagang ginagamit sa Tanakh o Lumang Tipan na singular Diyos o plural na "mga Diyos". Sa Hebreo, ang hulaping -im ay tumutukoy sa maskulinong plural o maramihan. Kapag ginagamit sa mga pandiwa at pang-uring singular, ang elohim ay itinuturing na isang Diyos. Kapag ginagamit sa mga pandiwa at pang-uring plural, ito ay itinuturing na plural na "Mga Diyos". Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, ang mga Sinaunang Israelita sa simula ay mga politeistiko na sumasamba sa maraming mga Diyos at kalaunang naging mga monolatrista na sumasamba sa isang pambansang Diyos na si Yahweh ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga Diyos at kalaunan ay naging mga monoteista na kumikilala at sumasamba lamang sa isang Diyos na si Yahweh na lumitaw pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya noong ca. 587/586 BCE.[1]