Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Enero 2023)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Elpidio Quirino | |
---|---|
pangalwang pangulo sa ikatatlong republika Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika | |
Nasa puwesto 18 Abril 1948 (halal 30 Disyembre 1949) – 30 Disyembre 1953 | |
Pangulo | Manuel Roxas |
Pangalwang Pangulo | Fernando Lopez (1949-1953) |
Nakaraang sinundan | Manuel Roxas |
Sinundan ni | Ramon Magsaysay |
Ika-2 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Komonwelt Unang Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika | |
Nasa puwesto 28 Mayo 1946 – 17 Abril 1948 | |
Nakaraang sinundan | Sergio Osmeña[1] |
Sinundan ni | Fernando Lopez[2] |
Kalihim ng Ugnayang Panlabas | |
Nasa puwesto 16 Setyembre 1946 – 17 Abril 1948 | |
Nakaraang sinundan | Naibalik[3] |
Sinundan ni | Joaquin Miguel Elizalde |
Personal na detalye | |
Isinilang | 16 Nobyembre 1890 Vigan, Ilocos Sur |
Yumao | 29 Pebrero 1956 Lungsod ng Quezon |
Partidong pampolitika | Liberal |
Trabaho | Abogado |
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890 – 29 Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948 – 30 Disyembre 1953).
Isinilang si Elpidio Rivera Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong Nobyembre 16, 1890. Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal si Quirino sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging Pangalawang Pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946 at nanumpa bilang Pangulo pagkatapos mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.
Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya dahil sa biglaang pagkaatake sa puso noong Pebrero 29 1956 sa edad na 65.[kailangan ng sanggunian]