Si Eros ang anak na lalaki ng diyosang si Aphrodite (Benus) ayon sa mitolohiyang Griyego at Romano. Tinatawag siyang Kupido o Amor ng sinaunang mga Romano.[1] Isa rin siyang diyos ng pag-ibig at malimit ilarawan bilang batang may mga pakpak. Sa isang tudla ng kanyang palaso mula sa kanyang pana, nagagawa niyang paibigin sa iba ang isang tao o nilalang. Ama niya si ares.[2][1]