Kaharian ng España Reino de España
| |
---|---|
Kabisera | Madrid |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Opisyal na wikang pasulat | Kastila[a] |
Kinikilalang rehiyonal na wika | Mga wikang rehiyonal |
Pangkat-etniko (2011) |
|
Katawagan | Kastila o Espanyol (Spaniard sa Ingles) |
Pamahalaan | |
• Hari | Felipe VI ng Espanya |
Pedro Sánchez | |
Lehislatura | Cortes Generales (Pagkalahatang Hukuman) |
• Mataas na Kapulungan | Senado |
• Mababang Kapulungan | Kapulungan ng mga Kinatawan |
Pormasyon | |
Lawak | |
• Kabuuan | 504,645[2] km2 (194,845 mi kuw) (ika-52) |
• Katubigan (%) | 1.04 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2013 | 46,704,314[3] (ika-28) |
• Senso ng 2011 | 46,815,916[4] |
• Densidad | 92/km2 (238.3/mi kuw) (ika-106) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2014 |
• Kabuuan | $1.425 trilyon[5] (ika-14) |
• Bawat kapita | $30,637[5] (ika-33) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2014 |
• Kabuuan | $1.415 trilyon[5] (ika-13) |
• Bawat kapita | $30,432[5] (ika-28) |
Gini (2013) | 33.7[6] katamtaman · mataas |
TKP (2013) | 0.869[7] napakataas · ika-27 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2[b] (CEST) |
Ayos ng petsa | dd.mm.yyyy (Espanyol; CE) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +34 |
Kodigo sa ISO 3166 | ES |
Internet TLD | .es[c] |
Ang Kaharian ng España[8] (Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Vizcaya; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko. Kasama ng Pransiya at Maruekos, isa lamang sila sa tatlong bansa na may baybaying Atlantiko at Mediteraneo. Ang 1,214 km (754 mi) na hangganan ng Espanya sa Portugal ay ang pinakamahabang tuluy-tuloy na hangganan sa buong Unyong Europeo.
Kasama rin sa nasasakupan ng España ang mga pulo ng Baleares sa Mediteraneo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko sa labas ng baybayin ng Aprika, ang tatlong teritoryo sa Hilagang Aprika, Ceuta, Melilla at Peñón de Vélez de la Gomera na hinahangganan ang Maruekos, at mga pulo at peñones (mga bato) ng Alborán, Chafarinas, Alhucemas, at Perejil. Sa lawak na 505,992 km2 (195,365 sq mi), ang Espanya ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europa at sa Unyong Europeo, at panlimang pinakamalaking bansa sa Europa.
Ang mga modernong tao ay unang dumating sa Tangway ng Iberia mga 35,000 taon na ang nakalilipas. Sumailalim ito sa pamumuno ng Roma noong 200 BK, at lumaon ang rehiyon ay binansagang Hispania. Noong Gitnang Panahon, sinakop ito ng mga tribong Alemaniko at lumaon ng mga Moro sa katimugan. Nabuo bilang isang bansa ang Espanya noong ika-15 dantaon, pagkatapos ng pagpapakasal ng mga Katolikong Monarka (Reyes Católicos) at ang pagwawakas ng dantaong pagsakop muli, o Reconquista, sa Tangway mula sa mga Moro noong 1492. Sa unang bahagi ng makabagong panahon, naging maimpluwensiyang imperyo sa daigdig ang Espanya at isa sa mga unang pandaigdigang imperyong kolonyal sa kasaysayan, na nag-iwan ng malawak na pamanang kultural at lingguwistika kabilang ang mahigit 500 milyong nagsasalita ng wikang Kastila, dahilan upang ito'y maging ikalawang pangunahing sinasalitang wika sa daigdig.
Ang modernong Espanya ay isang demokrasyang itinatag sa paraang pamahalaang parlamentaryo sa ilalim ng saligang batas ng monarkiya. Isang maunlad na bansa ang Espanya na ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Ang bansa ay kasapi ng Nagkakaisang Bansa, NATO, OECD, at WTO. Sa kasalukuyan, ang krisis sa ekonomiya ay naging malaking suliranin ng ekonomiya ng Espanya.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2