Felipe VI ng Espanya | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 30 Enero 1968[1]
|
Mamamayan | Espanya[2] |
Nagtapos | Autonomous University of Madrid Edmund A. Walsh School of Foreign Service Georgetown University |
Opisina | commander-in-chief (19 Hunyo 2014–) |
Asawa | Letizia Ortiz (22 Mayo 2004–) |
Anak | Infanta Leonor ng Espanya, Infanta Sofía ng Espanya |
Magulang | |
Pamilya | Infanta Elena, Duchess of Lugo, Infanta Cristina of Spain |
Pirma | |
![]() |
Si Felipe VI ng Espanya (pagbigkas sa wikang Kastila: [feˈlipe], na bininyagan bilang Felipe Juan Pablo Alfonso de Todos los Santos [et omnes sancti] de Borbón y de Grecia, Ingles: Philip John Paul Alphonse of All Saints of Bourbon and Greece na nangangahulugang Felipe Juan Pablo Alfonso ng Lahat ng mga Santo ng Bourbon at Gresya; ipinanganak noong 30 Enero 1968), ay ang kasalukuyang Hari ng Espanya. Siya ang pangatlong anak at nag-iisang anak na lalaki ni Haring Juan Carlos at ni Reyna Sofía ng Espanya. Naging Hari siya ng Espanya pagkatapos magbitiw sa tungkulin bilang Hari ang kanyang ama at nagsimula siya naging Hari noong Hunyo 19, 2014.[3][4]
Noon siya'y Prinsipe pa lamang, dinadala niya ang opisyal na mga pamagat na Prinsipe ng Asturias, Prinsipe ng Girona, Prinsipe ng Viana, Duke ng Montblanc, Konde ng Cervera, at Panginoon ng Balaguer dahil siya'y maliwanag na tagapagmana ng trono ng Espanya.