Gastroenteritis | |
---|---|
Gastroenteritis viruses: A = rotavirus, B = adenovirus, C = Norovirus and D = Astrovirus. The virus particles are shown at the same magnification to allow size comparison. | |
Espesyalidad | Gastroenterology |
Ang gastroenteritis ay isang medikal na kondisyon na nakikilala sa pamamaga ("-itis") ng gastrointestinal tract (tiyan at mga bituka) na kinasasangkutan ng parehong tiyan ("gastro"-) at ng maliit na bituka ("entero"-) na nagreresulta mula sa ilang mga kombinasyon ng pagtatae, pagsusuka, sakit ng sa may tiyan at pamumulikat.[1] Ang gastroenteritis ay tinutukoy din bilang gastro, bug sa tiyan, at birus ng tiyan. Bagaman walang kaugnayan sa trangkaso, tinatawag din itong trangkaso ng tiyan at trangkaso sa tiyan at bituka.
Sa buong mundo, karamihan ng mga kaso sa mga bata ay sanhi ng rotabirus.[2] Sa mga nasa sapat na gulang, ang norobirus[3] at Campylobacter[4] ang mas pangkaraniwan. Ang mas hindi pangkaraniwang sanhi ay kinabibilangan ng ibang bakterya (o ang kanilang mga lason) at mga parasito. Ang pagsasalin ay maaaring mangyari sanhi ng pagkonsumo ng mga pagkaing hindi maayos ang paghahanda o kontaminadong tubig o sa pamamagitan ng malapit na pagkakadikit sa mga taong may arthritis
Ang pundasyon ng pamamahala ay ang sapat na pagbibigay ng tubig sa katawan. Para sa mga hindi malubha o katamtaman na mga kaso, sa karaniwan maaari itong makamit sa pamamagitan ng solusyon na iniinom para sa muling pagbibigay ng tubig. Para sa mga kasong mas malubha, maaaring kailanganin ng likidong itinuturok sa ugat. Ang pangunahing naaapektuhan ng gastroenteritis ay ang mga bata at ang mga nasa mahirap na mga bansa.
{{cite journal}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)
{{cite journal}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
{{cite journal}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)
{{cite journal}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)