George Washington | |
---|---|
Ika-1 Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika | |
Nasa puwesto 30 Abril 1789 – 4 Marso 1797 | |
Pangalwang Pangulo | John Adams |
Sinundan ni | John Adams |
Unang Punong Komandante ng Hukbong Kontinental | |
Nasa puwesto 15 Hunyo 1775 – 23 Disyembre 1783 | |
Appointed by | Kongresong Kontinental |
Nakaraang sinundan | Wala, nilikha ang puwesto |
Sinundan ni | Henry Knoxb |
Ika-6 Kumandanteng Heneral ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Hulyo, 1798 – Disyemrbre 14, 1799 | |
Pangulo | John Adams |
Nakaraang sinundan | James Wilkinson |
Sinundan ni | Alexander Hamilton |
Personal na detalye | |
Isinilang | 22 Pebrero 1732 Westmoreland County, Kolonya ng Virginia, Amerikang Britaniko |
Yumao | 14 Disyembre 1799 Mount Vernon, Virginia, Estados Unidos | (edad 67)
Kabansaan | Amerikano |
Partidong pampolitika | Wala |
Asawa | Martha Dandridge Custis Washington |
Anak | John Parke Custis (stepson) Martha Parke Custis (babaeng anak sa panguman o unang asawa) Eleanor Parke Custis Lewis (apong babae sa anak ng unang asawa, pinalaki ni Washington) George Washington Parke Custis (apong lalaki sa anak ng unang asawa, pinalaki ni Washington) |
Trabaho | Magsasaka (Manananim) Kawal (Heneral) |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Nagkakaisang Kaharian ng Dakilang Britanya Estados Unidos |
Taon sa lingkod | 1752–1758 1775–1783 1798–1799 |
Ranggo | Tenyente Heneral |
Atasan | Rehimento ng Virginia ng Hukbong Britaniko Hukbong Kontinental Hukbo ng Estados Unidos |
a Tingnan ang Pangulo ng Estados Unidos, sa Kongresong Tinipon. b Naglingkod si Heneral Knox bilang Nakatataas na Opisyal ng Hukbo ng Estados Unidos. |
Si George Washington (22 Pebrero 1732 – 14 Disyembre 1799) ay ang pangunahing pinunong militar at pampolitika ng bagong Estados Unidos ng Amerika noong mga taong 1775 hanggang 1797, at namuno sa tagumpay ng Estados Unidos sa Britanya noong Digmaan ng Himagsikang Amerikano bilang punong komandanto ng Hukbong Kontinental, 1775–1783, at nangasiwa sa pagsulat ng Konstitusyon noong 1787. Bilang tanging pagpipilian bilang unang pangulo ng Estados Unidos (1789–1797), itinatag niya ang mga pamamaraan at ritwal ng pamahalaan na ginagamit hanggang sa kasalukuyan, tulad ng sistema ng gabinete at pagpapahayag ng salitang inaugural. Gumawa ang pangulo ng isang matatag na pamahalaang pambansa na umiwas sa digmaan, kinitil ang paghihimagsik, at tinanggap ng mga iba't ibang uri ng mga Amerikano. Mula noon itinanghal siya bilang "Ama ng Kanyang Bayan", si Washington, kasama si Abraham Lincoln (1809–1865) ay naging mga pangunahing simbulo ng pagpapahalagang republikano, pagbibigay ng sarili para sa bansa, nasyonalismong Amerikano, at ang pinakamabuting paraan ng pagsasama ng pagkapinunong sibil at militar.