Sukat | 4,003,451 km2 (1,545,741 mi kuw) |
---|---|
Populasyon | 74,338,950 (2020) (ika-16)[1] |
Densidad ng populasyon | 17.43 katao / km2 (6.73 katao / mi2) |
GDP (PPP) | $1.0 trilyon (2019)[2] |
GDP (nominal) | $300 bilyon (2019)[2] |
GDP kada kapita | $4,000 (2019; nominal)[2] $14,000 (2019; PPP)[2] |
HDI | 0.779 (mataas) |
Pantawag | taga-Gitnang Asya Gitnang Asyano |
Mga bansa | |
Mga wika | Buryat, Kalmyk, Karakalpak, Kazakh, Kyrgyz, Mongol, Ruso, Tajik, Turkmen, Uyghur, Uzbek, at iba pa |
Mga sona ng oras |
|
Internet TLD | .kg, .kz, .tj, .tm, .uz |
Kodigo sa pagtawag | Sona 9 maliban sa Kasakistan (Sona 7) |
Mga malalaking lungsod | |
UN M49 code | 143 – Gitnang Asya142 – Asya001 – Mundo |
a Kabilang lang ang mga may populasyon naa lagpas 500,000 katao. |
Gitnang Asya ang rehiyon ng Asya mula sa silangang baybayin ng Dagat Kaspiyo hanggang sa kanlurang bahagi ng Tsina at Mongolia, at mula sa katimugang bahagi ng Rusya hanggang Iran at Apganistan sa timog.[3] Sa kasalukuyang depenisyon ng rehiyon, kinabibilangan nito ang mga dating republika ng Unyong Sobyet na Kasakistan, Kirgistan, Tayikistan, Turkmenistan, at Usbekistan, bagamat sinasama rin ang Apganistan ng ilang depenisyon.[3][4] Kilala rin ang rehiyon sa impormal na tawag nito na mga stan dahil sa pagkakaroon ng mga pangalan ng mga bansang nandito ng hulaping Persyano na nangangahulugang "lupain [ng mga]".[4] Sa kasaysayan, ang naturang lugar ay kilala naman sa tawag na Turkestan at Turan.
Daanan ang Gitnang Asya para sa mga kultura at sibilisasyon ng Europa at Asya simula pa noon. Binabagtas ng Daang Sutla ang rehiyon upang makarating ang mga Europeo sa Asya at mga Asyano sa Europa.[4] Dahil dito, naging isa sa mga mahahalagang sentro ng kalakalan ang rehiyon sa malaking bahagi ng kasaysayan. Maraming lahi at kultura ang umusbong at yumabong sa lugar, partikular na ang lahing Irani at kalaunan, ang lahing Turkiko. Pagsapit ng ika-19 na siglo, naging dominante sa lugar ang mga Ruso at Eslabo dahil sa paglaki ng Imperyong Ruso at noong sumunod na siglo, ang Unyong Sobyet. Sa ngayon, mga Europeo ang dominanteng lahi ng tao na naninirahan sa lugar.[3] Dahil naman sa mga patakaran noong panahon ni Joseph Stalin, may malaki-laki ring populasyon ng mga Koreano sa rehiyon.[5] Noong 2020, ang limang bansang nasa loob nito ay may kabuuang populasyon na aabot ng 74 milyong katao.[1]