Gitnang Luzon Rehiyong III | |
---|---|
Paikot sa kanan mula sa itaas: Look ng Baler; Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan; bahagi ng Sierra Madre malapit sa Gabaldon, Nueva Ecija; Heritage District ng Angeles sa Pampanga; Bundok Pinatubo sa Zambales | |
Palayaw: Bangan ng Bigas ng Pilipinas[1] | |
Kinaroroonan sa Philippines | |
Mga koordinado: 15°28′N 120°45′E / 15.47°N 120.75°E | |
Bansa | Pilipinas |
Pangkat ng pulo | Luzon |
Regional center | San Fernando (Pampanga)[2] |
Lawak | |
• Kabuuan | 22,014.63 km2 (8,499.90 milya kuwadrado) |
Populasyon (senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 12,422,172 |
• Kapal | 560/km2 (1,500/milya kuwadrado) |
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao | |
• HDI (2018) | 0.726[4] high · Pang-apat |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-03 |
Mga lalawigan | |
Malayang mga lungsod | |
Mga bayan | 116 |
Mga barangay | 3,102 |
Mga distritong oambatas | 20 |
Mga wika |
Ang Gitnang Luzon (Kapampangan: Kalibudtarang Luzon, Pangasinan: Pegley na Luzon, Ilokano: Tengnga a Luzon, Ingles: Central Luzon), itinalagang Rehiyong III, ay isang administratibong rehiyon sa Pilipinas, pangunahing naglilingkod upang ibuo ang pitong mga lalawigan ng malawak na gitnang mga kapatagan ng pulo ng Luzon (ang pinakamalaking pulo), para sa layuning pampangasiwaan. Taglay ng rehiyon ang pinakamalaking kapatagan sa bansa at gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa, kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" ("Rice Granary of the Philippines").[1] Ang mga lalawigang bumubuo rito ay: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.[5]