Gloria Macapagal-Arroyo | |
---|---|
Ika-25 Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Hulyo 23, 2018 – Hunyo 30, 2019 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Nakaraang sinundan | Pantaleon Alvarez |
Sinundan ni | Alan Peter Cayetano |
Ika-14 na Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika | |
Nasa puwesto Enero 20, 2001 – Hunyo 30, 2010 | |
Pangalwang Pangulo | Teofisto Guingona (2001–2004) Noli de Castro (2004–2010) |
Nakaraang sinundan | Joseph Ejercito Estrada |
Sinundan ni | Benigno Aquino III |
Ika-10 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001 | |
Pangulo | Joseph Ejercito Estrada |
Nakaraang sinundan | Joseph Ejercito Estrada |
Sinundan ni | Teofisto Guingona |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Ikalawang Distrito ng Pampanga | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2019 | |
Nakaraang sinundan | Mikey Arroyo |
Sinundan ni | Mikey Arroyo |
Personal na detalye | |
Isinilang | San Juan, Rizal | 5 Abril 1947
Partidong pampolitika | Lakas Kampi CMD/Lakas–CMD (2008–2017; 2020–present)[1] |
Ibang ugnayang pampolitika |
|
Asawa | Jose Miguel Arroyo |
Trabaho | Ekonomista |
Pirma | |
Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal Arroyo (ipinanganak 5 Abril 1947), madalas na tinutukoy ng kanyang mga inisyal na GMA, ay Pilipinong akademiko at politiko na naglingkod bilang ika-14 na pangulo ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2010. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at ilalim-kalihim (undersecretary) ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsiyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [3]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong 20 Enero 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersiyal na eleksiyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon 30 Hunyo 2004.