Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, paggawa o trabaho (Kastila: trabajo, Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador.
Isang intensyunal na aktibidad na ginagampanan ng tao ang trabaho upang suportahan ang mga pangangailangan at kagustuhan nila, ng iba, o isang mas malawak na pamayanan.[1] Sa konteksto ng ekonomika, maaring makita ang trabaho bilang isang aktibidad ng tao na nag-aambag (kasama ang mga kadahilanan ng produksyon) tungo sa mga kalakal at serbisyo sa loob ng isang ekonomiya.[2]
Pangunahing nagtratrabaho ang mga tao sa araw.[3] Prominenteng paksa naman ang paghahati ng trabaho sa mga agham panlipunan bilang parehong konseptong basal at isang katangian ng indibiduwal na kalinangan.[4]
May ilang tao ang pinpuna ang trabaho at inihahayag na buwagin ito. Halimbawa, ang aklat ni Paul Lafargue na The Right to Be Lazy.[5]
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Def1
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Def2
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang DivOfLabor
); $2