Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.
Henetikong daloy
Sa henetika ng populasyon, ang henetikong daloy o daloy ng gene ang paglipat ng materyal na henetiko mula sa isang populasyon sa isa pang populasyon. Kung ang antas ng daloy ng isang gene ay sapat na mataas, ang dalawang populasyon ay magkakaroon ng parehong prekwensiya ng allele at kaya ay maituturing na isang epektibong populasyon. Naipakita na kailangan lamang ng isang palipat kada henerasyon upang maiwasan ang mga populasyon na humiwalay dahil sa henetikong pag-agos. Ang mga populasyon ay naghihiwalay dahil sa seleksisyon kahit pa may palitan ng mga allele kung ang presyon ng seleksyon ay sapat na malakas. Ito ay mahalagang mekanismo sa paglilipat ng dibersidad o pagkakaiba sa populasyon..[1][2][3]