North America
Hilagang Amerika
Area | 24,709,000 km² (9,540,000 sq mi) |
---|---|
Populasyon | 528,720,588 (Hulyo 2008 est.) |
Densidad | 22.9/km² (59.3/sq mi)[1] |
Mga Bansa | 23 |
Mga Umaasa | 18 |
Demonym | North American |
Mga Wika | English, Spanish, French, at marami pa |
Time Zones | UTC (Danmarkshavn, Greenland) to UTC -10:00 (west Aleutians) |
Largest urban agglomerations (2005) |
Mexico City New York City Los Angeles Chicago Miami |
Ang Hilagang Amerika (Ingles: North America) ay isang kontinente sa Hilagang Emisperyo ng Daigdig at halos na nasa Kanlurang Emisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.